AWIT PARA KAY MARIA
(salin ng “Song for Mary” ni Guelan Varela-Luarca, M2009)
Nakatindig kami sa bundok
Sa gitna ng langit at lupa
Manghang-mangha ang mundo
Sa kinang ng sagisag ni Loyola
Kami’y hindi nasawi
Sa bawat subok nagwagi
At ngayo’y dapat nang bumaba
Sa tayog ng karunungan
Oras na ng pagpaalam
Ganiyan ang buhay-Atenista
Maria, para sa ‘yo
Sa puti at bughaw mo
Inang mahal, aming panata’ng
Maging tapat at totoo
Inang mahal, aming panata’ng
Manalig sa ‘yo!
Pumanaog na sa bundok
Maghanda nang makibaka
Hindi namin malilimot
Ang tanglaw ng pangaral ni Loyola
Ang pait ng paghamon
At tamis niyong kahapon
Ay s’ya naming sasandigan
Matalo o manalo
Di pa rin kami susuko
Ateneo – aming tahanan!
Maria, para sa ‘yo
Sa puti at bughaw mo
Inang mahal, aming panata’ng
Maging tapat at totoo
Inang mahal, aming panata’ng
Manalig sa ‘yo!